SELF-CONFESSED K-Pop lover ang aktres na si Janice de Belen. Aminado siya na mas malala pa siya ngayon sa younger sister niya na si Gelli de Belen na siyang nag-introduce sa kanya ng mga Koreanovela.
“Cute sila,” ngiti ni Janice. Bagay daw kasi sa kanila ang role na ginagampanan nila sa mga teleserye at talagang nakaka-in love ayon kay Janice.
Sina Lee Min Ho at Sun Song Joong Ki na bida sa “Descendants Of The Sun” ang mga crush ni Janice, “Ay, sobrang crush ko siya. Mahal ko siya!” kinikilig pang sabi ni Janice.
Dahil sa kanila kaya madalas magpunta sa South Korea si Janice (every year). Last year, dalawang beses daw siyang nagpunta sa South Korea and this year plano niyang mag-birthday doon sa November, “Hindi ko naman sila hinahanap doon. Pero sana nga, wini-wish ko, sana makasalubong ko sila,” sabay tawa ng aktres.
Sina Lee Min Ho at Sun Song Joong Ki raw ang nasa isip niya noong ginawa raw niya ang kissing scene with Liza Dino sa latest indie film niya na “Ringgo, The Dog Shooter” directed by Rahyan Carlos.
Sa dinami-dami na ng roles na ginampanan niya, first time niyang tumanggap ng role bilang isang tomboy sa pelikula.
Wala naman daw siyang problema sa pagganap bilang tibo. Nahirapan lang daw siya sa kissing scene niya with Liza na hindi niya nabasa when she was given the script at first.
“Naloka ako, kasi hindi ko nakita ‘yun sa script. Promise ako talaga ang may kasalanan,” aniya.
Inamin ni Janice na ang eksena niya with Liza ang pinakamahirap na ginawa niya bilang artista. What makes it more even harder ay kailangan mas aggressive siya kay Liza.
Ginalingan na raw nang todo ni Janice nu’ng kukunan na ang eksena nila para hindi na siya ma-take two, “At saka alas-kwatro na, kailangan na nating mag-uwian lahat. So, let’s do it. Let’s finish it. Ibigay mo na lahat ‘yung alam para hindi na ulitin. Kasi mas nakakanerbyos kung uulitin mo pa.”
After the scene, sobrang relieved ang pakiramdam ni Janice. Para raw siyang nabunutan ng espada sa dibdib.
Bukod kay Janice, bida rin sa movie si Sandina Martin bilang si Ringgo, ang asong si Inca, newcomer Mhica Oyteza, Olivia Oyteza bilang kapatid ni Janice at producer din ng movie at marami pang iba.
Ang “Ringgo, The Dog Shooter” ay isa sa finalists sa Filipino New Cinema sector ng 3rd World Premieres Film Festival 2016 at ipapalabas sa mga sinehan simula sa June 29.