Heart lumelebel sa kasosyalan nina Kim Kardashian at Victoria Beckham

heart evangelista

HANGGANG ngayon, patuloy pa ring umaani ng positibong feedback mula sa netizens at TV viewers ang Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista-Escudero sa mahusay nitong pagganap bilang si Happy sa romantic comedy primetime series na Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad.

Patok na patok si Heart sa serye bilang asawa ng isang chick-magnet businessman na si Juan na ginagampanan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. Since day one, bukod sa light na takbo ng istorya at fun atmosphere tuwing taping, ramdam daw ng aktres ang suportang ibinibigay ng netizens at manonood dahil sa magaganda nitong comments sa kanilang social media accounts na talaga namang nakakapagpa-motivate sa kanya at kapwa artista sa set.

“I am so happy and thankful for the good feedback that I’ve been receiving. Nakakataba ng puso na minamahal rin nila ang bagong character na ginagampanan ko sa TV. I hope they will continue to watch the show and join us in our journey,” sey ni Heart.

Samantala, kilala bilang isa sa icons ng Philippine fashion, aminado si Heart na admirer siya ng mga designer bags tulad ng Hermes Birkins at Kellys. Nitong nakaraang linggo, humanga at ginulat na naman ng Juan Happy Love Story lead star ang kanyang Instagram followers sa kanyang bagong handbag, ang Himalayan Croc Birkin.

Ito ay gawa sa balat ng Niloticus crocodile at may subtle coloration na dumaan sa masusing proseso ng pagda-dye para sa delicate blanc hue nito. Ayon sa Vogue.com, ang 25-centimeter Himalayan Birkin ay kinokonsiderang “rarest and most desirable handbag in the world.”

Without the bling, sinasabing binebenta ang Himalayan Birkin bag sa halagang di bumababa sa $150,000 sa mga most trusted VIP clients ng Hermes tulad ng sikat na model at socialite na si Kim Kardashian, Hollywood star na si Victoria Beckham at ang kilalang fashion designer na si Rachel Zoe.

Read more...