Kris ka-join sa inauguration ni Leni Robredo; mga ate di pupunta

leni robredo at kris aquino

A-ATTEND si Kris Aquino sa inauguration ni Vice-President Leni Robredo. Actually, invited ang mga sisters niya pero nagbigay ang mga ito sa ilang panauhin. They gave their slots to some guests kaya si Kris na lang ang pupunta sa event for Leni.

Si Kris ang isa sa mga sumuporta kay VP Leni when she was campaigning. Bukod sa nagbigay na siya ng financial na tulong ay ikinampanya pa niya ito kaya naman nararapat lang siyang maging present sa inauguration nito.

Hindi pa nagsasalita si Kris kaugnay ng controversial guesting niya sa show ni Marian Something kaya baka meron mag-interview sa kanya at gawing issue ang guesting niyang iyon. Knowing her, ang sasabihin lang naman niya ay ang kanyang social media aria na ‘yon ay matagal na niyang promise sa mag-asawa bilang ninang sa kasal.

Read more...