James waging ‘2016 Sexiest Man’ sa Pinas

james reid

ITINANGHAL na 2016 Sexiest Man in the Philippines ang Kapamilya hunk actor na si James Reid. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa isinagawang online poll ng isang entertainment website kamakailan, umabot ito sa 490,311 votes.

Tinalbugan ng boyfriend ni Nadine Lustre ang ilang Kapamilya at Kapuso stars na kabilang din sa nasabing online poll. Siguradong nakarating na ang good news na ito kay James na muling bibida sa bagong teleserye nila ni Nadine sa ABS-CBN, ang Till I Met You. At sure na sure rin kami na mas magiging proud si Nadine sa bagong titulo ng kanyang dyowa.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nanalong Sexiest Man si James sa online poll ng nasabing entertainment website, una niyang nakamit ang titulo noong 2014. Pumangalawa sa botohan si Xian Lim, ikatlo si Paulo Avelino, pang-apat at panglima naman sina JC de Vera at Piolo Pascual respectively.

Read more...