Tito, Vic & Joey, Showtime hosts suportado ang buong Team GILAS sa Road To Olympics

tvj showtime at gilas pilipinas

ANG final 12 na bumubuo ngayon ng Team GILAS under coach Tab Baldwin ay sina naturalized Filipino Andray Blatche, Junemar Fajardo ng San Miguel, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Troy Rosario at Ryan Reyes ng Talk N Text, Gabe Norwood at Jeff Chan ng Rain or Shine, Marc Pingris ng Star, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, Terence Romeo ng Global Port at ang two-time UAAP MVP na si Bobby Parks, Jr..

Sa naging laban nga nila kontra China kung saan sila nanalo ay umiskor nang husto sina Romeo at Blatche, habang proud na proud naman ang misis ni Marc Pingris na si Danica Sotto sa muling pagkakasama ng asawa sa team.

Sey pa nito, “For the pride and honor of our country, sana nga makapasok tayo sa Olympics.”
Grabe rin ang support sa team GILAS ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga sa pamumuno nina Sen. Tito Sotto, Bossing Vic Sotto at Joey de Leon. Sobra rin silang updated sa mga kaganapan sa mundo ng basketball at madalas pa nga ay sila pa ang nag-aanunsyo ng resulta ng mga ginaganap na laro.

Gusto naming maniwala na ginagawa rin ng tropa nina Vice Ganda, Karylle at Vhong Navarro sa It’s Showtime ang pagsuporta sa GILAS bilang lantad din naman ang pagkahilig nila sa basketball.

Read more...