OFW fans ni Alden umuwi ng Pinas para tumulong sa mga senior citizen at mahihirap na estudyante

alden richards

HINDI maitatangging si Alden Richards na ang pinakahinahangaang aktor ng henerasyong ito, kaya naman hindi niya pinalalampas ang kahit anong pagkakataon para magpasalamat sa mga natatanggap niyang biyaya.

Bukod sa karisma ng aktor, minamahal din siya ng mga fans dahil sa kanyang kabaitan at pagiging matulungin sa kapwa. Kamakailan ay naging inspirasyon ang Kapuso actor sa isang charity project na sinimulan ng Alden International, ang global fanbase niyang binubuo ng mga OFWs para umuwi sa Pilipinas at magsagawa ng mga charity works.

Noong nakaraang Hunyo 18 at 25, pumunta ang nasabing fan group sa Cavite at Laguna para sa isang feeding program para sa mga elders ng Tahanan ni Maria sa Carmona at namigay ng mga school supplies sa 400 estudyante ng Langkiwa Elementary School. Nagpaplano rin ang grupo na magkaroon ng block screening para sa nalalapit niyang pelikula kasama ni Maine Mendoza, ang “Imagine You And Me” para sa patients ng Philippine Foundation for Breast Care.

Hindi inaasahan ni Alden na ganito pala kabuti ang impluwensiya niya sa ibang tao. Ayon pa sa Pambansang Bae, “To be honest, I really don’t know how I inspired them to do something big like this because for me, ang gusto ko lang naman talaga is to make them very happy. Kapag may ginagawa ako, sila talaga ang isa sa mga iniisip ko na mapasaya kasi their support is indescribable.

“I am really thankful for them at sobra ang saya ko kasi ganu’n pala yung effect ko o ng mga ginagawa ko sa kanila. Aside from their unwavering support, nakakatulong din sila sa iba. ‘Yun na siguro ang pinakamagandang regalo nila sa akin more than the material things. Ang sarap sa pakiramdan,” sey pa ng certified Kapuso Prince.

Read more...