Throwback Thursday

marky cielo

WALONG taon na ang nakararaan nang gulatin ang mundo ng showbiz ng biglaang pagkamatay ng Starstruck Season 3 Ultimate Male Survivor na si Marky Cielo sa edad na 20.

Natagpuan siyang walang malay noong Dec. 7, 2008 sa kanilang tahanan. Bago siya mamaalam, ay nakita pa raw siyang naglalaro ng online games sa isang internet shop at nakapag-text pa raw sa ilang kaibigan.

Maraming ispekulasyon kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw: binangungot daw ang Kapuso young actor; nagpakamatay daw ang binata dahil sa babae; meron din daw involved na mayamang bading. Ngunit hanggang sa mailibing ang binata ay walang malinaw na ulat tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Read more...