MMFF mas pinahigpit ang regulasyon; Cash prize ng winners tinanggal na rin

mmff 2016

TOTOO nga, “change is coming” sa pagpasok ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil pati ang organizers ng taunang Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing Disyembre 25 ay marami ring gagawing pagbabago.

Sa ginanap na bonggang launching ng 2016 MMFF na may tagline na “Ang Bagong MMFF CineSamaNa #Reelvolution” sa SMX Convention Center, MOA noong Martes ng gabi hosted by Iza Clazado and Epy Quizon ipinaliwanag mabuti ni MMDA at MMFF Chairman Emerson Carlos ang malalaking pagbabago sa annual film festival.

Inamin ni Chairman Emerson na ngayong 2016 (pagkalipas ng 41 years) ay binago ang mga patakaran sa pagsusumite ng mga gustong lumahok sa taunang filmfest. Tinanggal na ang New Wave Films category at dalawang kategorya na lang ang natira, ang Full-length Feature Film section at ang Short Film section.

Para sa Short Film category ay kailangang mag-submit ang mga lalahok ng tatlong kopya ng application form, synopsis not more than 300 words, hard drive containing the film entry in DCP format o JPEG 2000 at brief resume ng producer.

Sa Full Length Feature Film naman kailangan ang tatlong kopya ng application form, synopsis not more than 300 words, hard drive containing ng film entry in DCP o JPEG 2000 or non DCP MV4, AVI, brief summary/background ng producer filmmaker’s filmography, P50,000 entry fee in cash, manager’s check or proof of deposit slip to MMFF account (may discount na P30,000 para sa early bird entries).

Walo pa rin ang pipiliing final entries na mapapanood simula Dis. 25 hanggang Enero 7, 2017 habang walo pa rin ang magiging final entries sa Short Films section. Wala na rin daw cash prize para sa mga mananalo tulad sa mga nakaraang taon, “We are just giving the prestigious trophy for MMFF,” ani Emerson.

Natanong din ang mga pelikulang naipalabas na sa ibang bansa kung puwede pa ring sumali sa MMFF. Ang paliwanag ni Mowelfund President, Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, “Kung naipalabas na sa festivals abroad kailangan may abiso lamang sa executive committee. Pero kailangan ang Philippine premiere ay sa MMFF pa rin. Lalo na’t ang isa sa criteria ay finish product na, so it is understandable na ‘yung mga natapos ng pelikula at naisali na sa ibang festivals, e, it is really practical na ipasok kasi gawa na ‘yun with due timely notice to the execom.”

q q q

Samantala, pinalagan ng ilang producers ang bagong regulasyon ng MMFF dahil nga napag-usapan daw ng execom na isang buong pelikula na ang dapat i-submit ng mga gustong lumahok kumpara sa nakalipas na 40 taon na synopsis/script muna ang isusumite at saka palang gagawin ang novie.

Ang paliwanag ni Solar owner, Mr. Wilson Tieng, “This year, gusto talaga naming maagang submission, kailangan natin ‘yun kasi kung medyo late na mag-submit talo rin ang producer o gagawa ng pelikula dahil wala ng time to expose or to run ‘yung trailers nila, ‘yung mga advertising collaterals nila.

“Kaya nakikiusap kami na kung puwede, maaga na silang mag-umpisa para matapos na ‘yung pelikula para makagawa na rin sila ng magandang trailer kasi itatakbo pa ‘yun sa mga sinehan. Malaki ang matutulong nito sa promotion ng pelikula,” dagdag niya.

Ang mga petsang itinalaga ng MMFF para sa submission of letter of Intent ay noong Hulyo 8; sa Sept. 28 naman ang deadline for early bird submission; Oct. 19, deadline for submission of short films; Oct. 27, announcement of short films; Oct. 31, deadline for submission of full length films; Nov. 3 to 9 competition committee screening; Nov. 10, announcement of finalist; Nov. 17 deadline for additional requirements by selected films; Dec. 23, Parade of Stars; Dec. 25 to Jan. 7, 2017 film festival period at Jan. 8 ang awards night. Tinanong si Chairman Emerson kung gaano siya kaistrikto sa mga petsang binanggit dahil magkakadikit at baka hindi kayanin ng ilang producers/directors ang Okt. 31 deadline.

“Deadlines, means dead – patay. So deadline, siguro we should stick with it and of course dati na nating pinag-uusapan ‘yan. There are instances na ang daming nagre-request ng deadlines, lalung-lalo na this year because we returned to the finish products as basis for the selection of entries for the film festival this year. This came all about because we want change, hindi po ba?

“Actually the demand came from stakeholders, dapat hindi script ang batayan ng pagpili ng mga entries sa film festival, so we listened to this, sabi nga namin, madugong talakayan ang ginawa para magkaroon ng desisyon and we came up with this. Siguro this is the right time to start accepting and selecting films based on finished products,” paliwanag pa ng MMDA chairman.

Read more...