Regine muling mapapalaban sa drama sa Poor Señorita

regine velasquez

MADRAMA ang episode tonight ng GMA Telebabad series na Poor Señorita starring Regine Velasquez and Mikael Daez.

Bibisitahin nina Paeng (Mikael) at Rita (Regine) ang mga bata na nasa hospital room ni Charisse (Jillian Ward). Tutuksuhin ni Apol (Miggs Cuaderno) ang dalawa kung nagkabalikan na dahil mukhang sweet na sweet nga ang mga ito. Bigla namang dumating ang doktor ni Charisse at kinausap nang masinsinan si Rita kasama si Paeng. Umaasa naman ang mga kaibigan ni Charisse na wala itong malubhang sakit.

Ayon sa doktor, malubha na ang brain tumor ni Charisse kaya mag-iiyak si Rita. Ngunit kukumbinsihin nito ang sarili na isa lang joke ang sakit ng kanyang alaga dahil nga na-misdiagnosis na rin siya noon. When the children ask Rita what the result of the medical exam was, nagsinungaling siya at sinabing walang malubhang sakit si Charisse. Hindi naman nagustuhan ni Paeng ang pagsisinungaling ni Rita.

Kyla (Ayra Mariano) overhears everything and learns of Charisse’s true illness. Rita tells Kyla not to say anything to Charisse until they get a second opinion. Pinag-usapan nina Rita at Edna (Jaya) na humingi sila ng second opinion para sa sakit ni Charisse nang pumasok sa mansyon si Charisse. Mabilis na iniba nina Rita at Edna ang usapan para hindi na mag-alala ang bata.

Samantala, habang kumakain sa isang resto sina Deborah (Snooky Serna), Piper (Valeen Montenegro) at Edison (Elyson de Dios) tinukso sila ng ilang kakilala kung totoong naghihirap na sila. Deborah quickly dispels their speculations at sinabi pa nitong siya na ang magbabayad ng lahat ng kinain ng mga ito. But when the bill arrives, Deborah, Piper and Edison make a run for it.

Sa mansyon, habang naglalaro ang mga bata, papayuhan ni Kyla si Rita na ito na ang tamang panahon para ipagtapat kay Charisse ang totoo. Hindi pa rin makapagdesisyon si Rita.

Read more...