Wansapanataym nina Jerome, Loisa humataw agad sa rating

loisa andalio at jerome ponce

AGAD na binihag ng bagong tambalan nina Jerome Ponce at Loisa Andalio ang sambayanan dahil sa paghataw sa ratings ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush na nagsimula noong Linggo sa ABS-CBN.

Tinutukan at kinakiligan ng mga manonood ang unang pagtatambal nina Loisa at Jerome sa telebisyon kaya naman nagtala ng national TV rating na 31.2% ang pinagbibidahan nilang palabas at madaling tinalo ang katapat nitong show, ayon sa datos ng Kantar Media.

At sa pagpapatuloy ng kuwento, lubos ang naramdamang galit ni Candy (Loisa) matapos siyang pahiyain ni Paolo (Jerome) sa harap ng maraming tao sa pag-aakalang kinakalat ng dalaga na sila ay magkasintahan.

At upang makaganti, gagamitin ni Candy ang love spell book na ipinagkaloob ng matandang kanyang tinulungan upang gayumahin at gawing sunud-sunuran ang campus heartthrob. Ngunit masisira ang kanyang plano dahil imbis na sa kanya, sa kaibigan niyang si Amanda (Amy Nobleza) mahahalina si Paolo.

Maaalis pa nga kaya ang sumpa kay Paolo? Magtuloy-tuloy pa rin kaya ang galit ni Candy sa binata?
Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Candy’s Crush ngayong Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Read more...