KC, Aly wala nang hiya-hiya sa relasyon

kc concepcion at aly borromeo

LANTAD na lantad na ngayon ang relasyon nina KC Concepcion at Aly Borromeo.

Wala nang pakialam ngayon ang dalawa kung marami man ang makakita sa kanila na sweet na sweet sa isa’t isa. Ilang beses na kasing nakikitang magkasama ang TV host-actress at ang Azkals player sa ilang events. Ang huli nga ay nang magtungo sila sa Araneta Coliseum nitong weekend para makita ang retired NBA superstar na si Kobe Bryant.

Bumisita si Kobe Bryant sa Manila bilang bahagi ng “Mamba Mentality Tour.” Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta sa Pilipinas ang NBA superstar matapos ang kanyang pagreretiro sa NBA. Halos 20 taon ding naging star player ng Lakers si Kobe. Sa kanyang Snapchat account, nag-post si KC ng ilang photos at video nila ni Aly habang nagtsi-cheer kay Kobe.

Kitang-kita sa mga in-upload na video ang kaligayahan sa mukha ng magdyowa habang nakikisigaw sa audience. Nagiging very open na sina KC at Aly sa kanilang relasyon ngayon kaya kahit hindi pa nila diretsong sinasabi na official na silang magdyowa ay very obvious namang matagal na silang may relasyon.

Kamakailan, kumalat din sa social media ang isang larawan na ipinost ni KC sa kanyang Instagram kung saan makikita ang bouquet of flowers na ibinigay sa kanya ni Aly pagkauwi niya sa bansa galing sa New York. Nauna rito, inamin naman ng nanay ni KC na si Megastar Sharon Cuneta na botong-boto siya kay Aly bilang bagong dyowa ng anak. Ipinagdarasal daw ni Mega na sana’y si Aly na nga ang lalaking itinadhana para kay KC.

Hintayin na lang natin ang gagawing announcement nina KC at Aly para sa susunod na level ng kanilang pagmamahalan – ang kasalan! Ha-hahaha! Kasalan agad ang usapan, di ba? Pero sa totoo lang, bagay na bagay sina KC at Aly at feeling ko, sa altar na nga mauuwi ang kanilang pag-iibigan. Huwag lang itong mababahiran ng intriga dahil siguradong may malaking epekto ito sa kanilang pagmamahalan.

Read more...