Ramirez, Garcia mag-uusap ngayon

Butch Ramirez

NAKATAKDANG magpulong ngayong umaga sina outgoing Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia at minsan na namuno sa ahensiya ng sports na si William “Butch” Ramirez para pormal na pag-usapan ang transisyon sa pagitan ng dalawang lider bago ang opisyal na pag-upo ng bagong mamumuno simula sa Hulyo 1.
Pinili minsmo ni President-elect Rodrigo Duterte si Ramirez para mamahala sa ahensiya ng palakasan ng pamahalaan. Dati nang naging PSC chairman si Ramirez mula 2005 hanggang 2009.
Nakatakda ang naturang meeting alas-9 ng umaga sa PSC Administration Building sa Malate, Maynila.
Si Ramirez, kasama ang apat nitong magiging commissioner na sina Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Raymond Maxey at Arnold Agustin, ay nakatakdang magsagawa ng oath taking sa Malacanang sa Biernes, isang araw matapos ang oath-taking ni Duterte.
Bibisitahin din ni Ramirez ang mga pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex at PhilSports Arena sa Pasig City.
Ilan sa mga inaasahang isusulong ng bagong pamunuan ay ang Institute of Sports at ang Talent Identification program. —Angelito Oredo

Read more...