Jodi umaasa pa ring ikakasal sa tamang lalaki: Tsaka gusto ko talagang magkaanak ng marami!

jodi sta maria

UMAASA pa rin si Jodi Sta. Maria na mahahanap niya ang kanyang “forever” – ang tamang lalaking makakasama niya sa kanyang pagtanda.

Ayon sa Kapamilya actress, very positive pa rin ang pananaw niya pagdating sa pag-ibig, ito’y sa kabila nga ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Pampi Lacson at former boyfriend na si Jolo Revilla. Sey ni Jodi, nakikita pa rin naman daw niya ang kanyang sarili na ikinakasal uli, “Ako? Kung may pagkakataon, oo. Bakit naman hindi, di ba?

“I also want to have more children in the future kung iaadya ng Panginoon. So, pag dumating yung tamang tao, nakikita ko naman yung sarili ko na ikakasal ulit. “Kasi, I thought dati hindi na, e. Pero habang tumatagal, parang nandoon pa rin sa heart ko yung desire to have a family,” sey ni Jodi nang mag-guest siya sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay kahapon.

Kasamang nag-guest ni Jodi sa nasabing programa ang dalawang leading man niya sa pelikulang “The Achy Breaky Hearts” na sina Ian Veneracion at Richard Yap na parehong nagbigay ng belated birthday message sa kanilang leading lady. Nag-celebrate ng kanyang kaarawan noong June 16 ang aktres.

Ayon kay Ian, “Sasabihin ko sana mahanap niya yung magpapasaya sa kanya talaga. Pero nagseselos ako, e. Ha-hahaha! Hindi, basta pag may nanligaw sa iyo, kaming dalawa (ni Richard) yung screening committee mo, okay? Dadaan muna sa amin.”

Hirit ng isa sa hosts ng show na si Karla Estrada, “So, ang birthday wish mo para kay Jodi, sana walang manligaw?” Sagot ni Ian, “Sana. Kasi masaya naman siya ngayon, e. Sana hindi na niya hanapin. Kung hindi man, kung wala man, sana hindi na niya hanapin at maging masaya siya. Kasi kumpleto na siya on her own.”

Sey naman ni Ser Chief, “Love, happiness, and fulfillment even though with or without a partner. You and Thirdy (anak ni Jodi kay Pampi), you have the best of everything already, so icing on the cake na lang yun kung mayroon (darating na lalaki).”

Huling hirit ni Richard kay Jodi, “Pero ilakad kita kay ano…” “Ang bad-bad mo!” natatawang sagot naman ni Jodi.

Read more...