P154M jackpot ng Ultra Lotto

lotto for site
Posibleng umabot sa P154 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
     Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P148.2 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo ng gabi.
     Lumabas sa pinakahuling bola ang winning number combination na 11-53-2-29-1-9.
     Nanalo naman ng tig-P48,720 ang 22 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Tig-P670 naman ang 1,265 mananaya na nakaapat na numero.
     Balik naman ang P20 taya ng 20,579 mananaya na nakatatlong numero.
     Ang Ultra Lotto at binobola tuwing Biyernes at Linggo.

Read more...