5 sugatan ng araruhin ng sirang bus

 
Sugatan ang lima katao matapos na kumalas ang isang hinahatak na bus mula sa tow truck na humihila rito at bumangga sa mga tao sa gilid ng kalsada sa Quezon City.
     Nasira ang 11 tindahan ng mga damit sa Litex Market Extension sa Brgy. Commonwealth.
     Ayon sa driver ng tow truck (RAS 516) na si Nato Banez mayroong umover-take sa kanya kaya tinapakan niya ang preno alas-2 ng umaga.
     Kumalas umano ang kadena na nakatali sa Master Bus kaya kumawala ito. Wala namang magawa ang driver ng bus na si Randy Gatan dahil matigas ang manibela.
     Natutulog naman sa loob ng tindahan ang mag-asawang John Ray Padrinas at Jovita ng araruhin sila ng bus.
     Nasiraan umano ang bus sa Mandaluyong City at dadalhin sana sa garahe nito sa Fairview upang doon ayusin.

Read more...