Asawa, anak ng retired police general patay sa sunog

PATAY ang misis at anak na babae ng isang retired police general matapos makulong sa bahay nilang nasusunog Lunes ng umaga sa Quezon City.

Ayon sa report ng Radyo Inquirer, nagsimula ang sunog alas 7:30 sa bahay ni retired-general Ismael Rafanan sa No. 11, Block 4, Courage Street, Capitol Estate II.

 

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na ikinasawi ng misis at anak ni Rafanan.

Natagpuan ang mag-ina sa ikalawang palapag ng bahay.  Ang mga ito ay sina Marilyn Rafanan, 69 at anak niyang si Stara Rafanan, 27.

Read more...