Male celebrity desperado na sa career

BLIND ITEM MALE 0412

PINAG-UUSAPAN ng mga gay movie scribes ang post ng isang struggling actor sa kanyang social media, hindi raw ba niya alam na maluwag ang suot niyang shorts kaya nasilipan siya ng bahagya?

Sabi ng isang blogger, “Sinadya naman ‘yun ni _____ (struggling actor) para pag-usapan siya kasi wala namang isyu sa kanya. Lahat na nga ginawa niya, waley pa rin. Di ba nasangkot na siya noon sa suntukan, overnight lang yata siyang pinag-usapan, tapos wala na.”

May pagka-user daw kasi ang struggling actor dahil panay ang rampa nito nu’ng girlfriend pa niya ang isang aktres na may iba nang karelasyon ngayon. At dahil nakilala na rin naman sa showbiz ang struggling actor courtesy of his ex-GF ay siya na mismo ang tsumitsika sa mga casting director na isama siya sa projects.

In fairness, may mga nagawa na rin naman siyang programa, pero hindi naman nagtatagal dahil nga wala naman siyang talent sa acting. Kung sa itsura, meron naman, pero ordinaryo lang dahil kapag hinalo mo na siya sa mga tao sa labas ay hindi mo mapagkakamalang artista, pero pansinin naman kahit paano dahil matangkad siya.

Hirit ng isang katoto, “Kita mo nga, hindi nagtatagal sa dyowa, hindi rin nagtatagal sa mga project at ilang beses nang sinubukan ang politika, laging Luz Valdez (talo).” Ibig sabihin, desperado na ang male personality kaya gumagawa siya ng i-ngay sa social media to the point na magpasilip na siya ng kanyang private parts? Kawawa naman.

Read more...