Compatible ba ang Virgo at Taurus? (2)

Sulat mula kay Joy ng South Ville Country Homes, Ma-a, Davao City
Problema:
1. May boyfriend ako sa ngayon na isinilang noong April 25, 1993 at ako naman ay isinilang noong September 11, 1993. Madalas na sa aming may nangyayari, kaya gusto kong malaman kung tugma ba kami at kung tuparin nya ba ang kanyang pangako na ako ay papakasalan niya kapag daw nakaipon na siya ng sapat na perang pampakasal namin.
2. At gusto ko rin sanang malaman kung compatible po ba ang Taurus at ang Virgo at kung kami na ang magkakatuluyan, magiging maligaya at maunlad kaya ang aming itatayong pamilya?
Umaasa,
Joy ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing tugma at compatible naman kayo ng boyfriend mong Taurus, dahil ang Taurus at Virgo ay may iisang elementong tinataglay ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap, kasal man kayo o hindi kasal, kayo na nga ang magsasama habambuhay sa pagbuo ng isang simple pero masayang pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 11 at 25 naman ang boyfriend mo ang nagsasabing hindi lang kayo sa Astrology tugma kundi sa Numerology din, dahil ang 11 at 25 ay kapwa pinaghaharian ng elementong tubig. Ibig sabihin mas lalong uunlad at sasagana ang inyong pagsasama kung titira kayo sa mga lugar na malapit sa tubig.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran lagi kayong gumamit ng kulay na berde, dilaw at pula. Ang nasabing kulay ang lalo pang magpapaunlad ng iyong kapalaran sa aspetong pag-ibig at pag-aasawa.
Huling payo at paalala:
Joy ayon sa iyong kapalaran, kahit saan man mapunta o mapadpad ang boyfriend mo, sigurado na ang magaganap, dahil sadyang tugma at compatible kayo, walang duda, kayo na nga ang magkakatuluyan at ang pag-aasawa na nabanggit ay nakatakdang maganap sa taong 2019 o kaya’y 2020, na ang nasabing samahan ay mamumunga ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Read more...