Metro Manila, kalapit na mga probinsiya inulan—Pagasa

Motor

INULAN ang maraming bahagi ng Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon kahapon, ayon sa weather bureau.
Sa kalatas na ipinalabas ng Pagasa ganap na alas-4:10 ng hapon, sinabi nito na bukod sa National Capital Region (NCR), kabilang sa mga inulan ay ang Bagac at Morong sa Bataan at ilang bahagi ng Zambales.
Nakaranas din ng pag-ulan sa Norzagaray at Doña Remedios sa Bulacan.
Umabot naman ng isa hanggang tatlong oras ang malalakas na pag-ulan sa Quezon, Laguna, at Rizal.
Inulan din ang Nueva Ecija at Batangas.

Read more...