Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang Cagayan Valley kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:49 ng umaga.
Ang sentro nito ay 51 kilometro sa kanliuran ng Claveria. May lalim itong 50 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
May naitalang instrumental intensities ang Phivolcs. Intensity II sa Claveria at bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte.
Intensity I naman sa Sinait, Ilocos Sur.
Walang inaasahang pinsala at aftershock ang Phivolcs sa pagyanig na ito
MOST READ
LATEST STORIES