P163M jackpot ng Grand Lotto bukas

     lotto for site
Walang nanalo sa P157.1 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito noong Sabado ng gabi.
     Hindi natayaan ang winning number combination na 5-16-53-1-33-4.
     Posibleng umabot sa P163 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto sa bola nito sa Lunes.
     Sa pinakahuling bola, nanalo ng P183,870 ang walong mananaya na nakalimang numero.
     Nanalo naman ng tig-P1,720 ang 684 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 19,172 mananaya na nakatatlong numero.
     Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
     Samantala, isang factory worker ang nanalo ng P97.1 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.
     Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numero 9-11-18-23-25-31 sa bola noong Hunyo 19.
     Ang nanalo ay lalaki, 48 taong gulang, may-asawa at dalawang anak.
     Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya ng manalo.
     Plano niyang magpatayo ng mga apartment at bumili ng lupang sakahan.

Read more...