LPA naging bagyo na; public storm signal no. 1 nakataas sa 7 lugar

Pagasa

Pagasa

Naging isa ng ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration at pinangalanan itong Ambo.

     Kahapon ay itinaas ng PAGASA ang public storm signal no. 1 sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, hilagang bahagi ng Quezon kasama na ang Polio Islands, Aurora at Quirino.
     Ang sentro ng bagyo kahapon ng umaga ay nasa laying 182 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
     May taglay itong hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
     Umuusad ito sa bilis na 19 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.
     Bukas ng umaga ang bagyo ay inaasahang nasa laying 80 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora. Sa Martes ng umaga ito ay nasa laying 220 kilometro sa kanluran ng Laoag City at sa Miyerkules 660 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag o 700 kilometro sa kanluran ng Basco, Batanes.

Read more...