LPA naging bagyo na; public storm signal no. 1 nakataas sa 7 lugar | Bandera

LPA naging bagyo na; public storm signal no. 1 nakataas sa 7 lugar

Leifbilly Begas - June 26, 2016 - 02:56 PM

Pagasa

Pagasa

Naging isa ng ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration at pinangalanan itong Ambo.

     Kahapon ay itinaas ng PAGASA ang public storm signal no. 1 sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, hilagang bahagi ng Quezon kasama na ang Polio Islands, Aurora at Quirino.      Ang sentro ng bagyo kahapon ng umaga ay nasa laying 182 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.      May taglay itong hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.      Umuusad ito sa bilis na 19 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.      Bukas ng umaga ang bagyo ay inaasahang nasa laying 80 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora. Sa Martes ng umaga ito ay nasa laying 220 kilometro sa kanluran ng Laoag City at sa Miyerkules 660 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag o 700 kilometro sa kanluran ng Basco, Batanes.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending