Ryan Bang, female models hubo’t hubad sa MTV; umapir din sina Vice, Anne, Noli | Bandera

Ryan Bang, female models hubo’t hubad sa MTV; umapir din sina Vice, Anne, Noli

Ervin Santiago - June 26, 2016 - 12:30 AM

ryan bang

WALANG planong iwan ng Korean TV host-comedian na si Ryan Bang ang Pilipinas kahit pa sikat na rin siya sa kanilang bansa at iba pang lugar sa Asia.

Kamakailan lang, ipinalabas ang life story ni Ryan sa South Korean TV network na KBS (Screening Humanity) at sa June 27, 28, 30 at July 1 ay mapapanood na rin ang documentary feature tungkol sa kanyang buhay sa Civic News.

Ang Civic News ay umeere sa city of Busan pero nasa ilalim pa rin ito ng KBS2 channel. Pero pagkatapos daw nitong umere sa Busan, mapapanood din ang 4-part episode ng kanyang life story sa YouTube.

“Marami ring Pinoy sa Busan kaya siguradong mapapanood nila yung documentary tungkol sa akin sa Civic News. Tsaka kaya ko ginagawa ito ay para i-promote rin ang Philippines sa Busan,” chika ni Ryan sa presscon ng kanyang bagong single, ang kontrobersyal na ngayong “Love Like Follow.

Inamin din ng Kapamilya comedian na dumami ang offer sa kanya sa Korea matapos umere roon ang kanyang life story, “May nag-offer sa akin na morning show, tapos may guesting din pero nag-uusap pa. Masaya ako kasi nagustuhan nila yung ginawa ko tapos gusto pa nila akong makatrabaho uli.

“Pero sabi ko nga hindi naman ako yung iiwan na ang Pilipinas para magtrabaho roon. Kasi mahal ko talaga ang Philippines dahil mahal ako ng madlang pipol. Tsaka malaki utang na loob ko sa inyo lahat. Imagine kahit di ako gwapo love n’yo pa rin ako,” mahaba pang hirit ni Ryan.

Samantala, trending ngayon ang second self-produced music video ni Ryan titled “Like Love Follow” na co-produced ng Skinny Fat Boy Productions, the same team behind his first video “Shopping.” Kontrobersyal ang bagong MTV ni Ryan dahil may mga eksena rito kung saan naglakad sa kalye ang komedyante at ang ilang female models nang hubo’t hubad. Tinakpan lang ng itim na box sa screen ang kanilang private parts.

Tinatalakay sa music video ang social media attitude ng mga netizen, “Kasi ‘yung like sa Facebook, ‘yung love sa Instagram and ‘yung follow sa Twitter about sa social media, ganu’n yung gustong sabihin ng kanta ko tsaka MTV.”

Sey pa ni Ryan ang kanyang bagong kanta ay para sa mga Filipino fans na adik na adik sa K-Pop at K-Drama, Ginawa ko ito kasi ang dami palang gustong matutunan na Korean words ng mga tao gaya ng nasa Korean drama and K-Pop. So ginawa ko lang na parang ABCEFG,” aniya. Nakipag-collaborate rin si Ryan sa kanyan It’s Showtime co-hosts na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz. Dito rin natupad ang isa sa mga pangarap ng comedian na makapag-rap.

“Matagal ko na talagang gustong mag-rap kahit na bulol ako. First the time, kahit na for fun, ginawa ko ang rap na tagalog,” aniya. Just like his previous music video, “Like Love Follow” features an all-star cast including his Banana Sundae co-stars tulad nina Jessy Mendiola at Kuya Jobert at ang mga miyembro ng Hashtags.

Mapapanood din sa MTV sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Atienza at Vhong Navarro pati na ang mga Kapamilya news anchors na sina Gretchen Fullido, Bernadette Sembrano at Kabayan Noli De Castro.
“Like Love Follow” music video is for free on YouTube kaya watch na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending