Direk Arlyn Dela Cruz umaming nagka-colon cancer, tutulungan ang mga HIV/ AIDS victim
CERTIFIED international award-winning director na rin ang dating TV news reporter na si Arlyn dela Cruz. Nanalo kasi ang movie niya na “Maratabat” sa katatapos lang na People’s Film Festival sa Harlem New York.
Pwede na siyang ihanay ngayon sa mga Filipino international award-winning directors tulad nina Brillante Mendoza at Lav Diaz. Pupunta raw sana siya sa New York kasama ang producer ng latest indie movie niya na “Pusit” na si Theresa Cancio pero hindi sila natuloy dahil bawal magbiyahe si Direk Arlyn na kakaopera pa lang.
Sa unang pagkakataon ay ni-reveal ni Direk Arlyn sa amin na nagkaroon siya ng colon cancer at umabot na sa stage 3. December lang daw niya na-discover ang kanyang sakit. “December last year sumakit ang tiyan ko, galing ako kay Joma Sison sa Netherlands for ‘Tibak’. Tapos umuwi ako dito na sobrang sakit ng tiyan ko. Tapos I was diagnosed sa isang hospital. I was given medication. Pero wala pa ring nangyari, on and off, on and off.
“Until pumunta ako sa isang ospital, dito rin. Nakita siya, ‘yung obstruction. Meron palang tumor sa aking colon,” kwento ni Direk Arlyn. Lumubo and about to rapture na raw ang kanyang intestine noong ma-diagnose. Saved by the bell kaya wala na siyang panahon para magtanong.
For six months she lived with colostomy bad. Last May 18 ibinalik na ang bituka niya sa loob. Laking pasasalamat niya na clear na ang kanyang cancer marker. “Syempre nalungkot ka, nagulat ka. Pero ang attitude ko kasi, sa rami ng pinagdaanan ko sa buhay, everythig is up to Him. Everything is up to the Lord. Kung mamatay ka, mamamatay ka. Kung mabubuhay ka, mabubuhay ka. At kung mabubuhay ka, wala ka ng karapatang mag-inarte. Tuloy lang ang buhay,” ani direk.
Pagpapatuloy pa niya, “Aba! Nakakahiya naman sa Diyos binuhay ka na, aarte ka pa? ‘Di ba, ‘Huhhuu, nagkasakit ako. May cancer, stage 3.’ Hello! Wala na ‘yan. Umalis na. Naalis na. So, I asked my doctor, ’Ano’ng sabi ninyo? Does that mean I’m a cancer survivor?’ ‘Yes,’ sabi niya.” Unlike other cancer patients, hindi pumayag si Direk Arlyn na magpa-chemotherapy.
“I’m not saying na sundin ako ng ibang cancer patients.. Pero I said no to chemotherapy kasi sabi ko if ako’y talagang mamamatay, mamamatay ako.’ Pero sabi ko, ‘I took it as God’s intervention nasabi mo in the nick of time, pwede akong mamatay because magra-rapture siya, hindi ako namatay.
“It is His way of saving my life. Buhay pa ako. Kaya sabi ko, ‘Let it be my choice na huwag ako mag-chemotherapy.’ Sa awa ng Diyos, six months after the surgery okey pa naman ako at nabalik na sa normal ang system ko,” pahayag pa ng matapang na direktor.
q q q
Samantala, ang “Pusit” ay isang advocacy film ayon kay Direk Arlyn. Pero mabilis niyang sinabi na hindi itp documentary film.
“Film talaga siya and advocacy in the sense na gusto naming buhayin ‘yung tulungan ang gobyerno at ibang NGO or iba’t ibang organisasyon na sabihin sa tao na nandito pa rin ‘yung problema ng AIDS at HIV. “And these are the things that can be done. Eto ‘yung ginagawa ng society, ganito ang nagiging reaction ng pamilya. Eto ang leksyon ng indibidwal na merong AIDS, may HIV at ito ‘yung pwedeng gawin, at paano mo itong mapaglalabanan at malampasan,” paliwanag niya.
Kwento pa ni Direk Arlyn, para sa kanya ang pinakamasayang araw sa buhay niya ay nu’ng umutot siya at nakadumi muli. This is the reason kung bakit very special and memorable para kay Direk Arlyn ang kanyang advocacy film tungkol sa mga HIV victims, ang “Pusit” na pinrodyus ng kaibigan at kasamahan niyang host sa Radyo Inquirer na si Theresa Cancio.
Pagbibidahan ito ni Jay Manalo na gaganap bilang isang all-out gay na nagka-AIDS, with Kristoffer King, Ronnie Quizon, Elizabeth Oropesa at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.