Yeng bumili ng videoke sa mall, naki-duet pa sa sales agent

yeng constantino

SINGER Yeng Constantino made a sales agent of a videoke happy. Bukod kasi sa binili niya ang tinda nito ay nakipag-duet pa siya. On her Facebook account, Yeng narrated what happened, “Mpromptu videooke sa mall!”

“Story: Naghahanap ako ng karaoke para sa house namin kase bday na ni Papa sa June 28 at lahat kami ng mga kapatid ko nasa bahay kaya magvi-videoke kami! Go ako sa mall. Ang sumalubong sakin itong si Kuya Nard.

“At pinakita nya sakin lahat ng pagpipilian. Explain explain sya nung bawat uri ng videoke. Mamaya ng konti ayun pinapakanta ako. Sabi ko ‘ikaw nalang Kuya.’ Eh habang kumakanta sya at dinedemo ang videoke unit naiinggit ako kaya kinuha ko yung isang mic kaya eto ang nangyari! Hehehehe! Ang saya in fairness!

“Thanks Kuya Nard sa pagpapaliwanag sakin ng specs ng binili kong videoke at higit sa lahat sa pagkanta with me.” The karaoke was Yeng’s gift to her dad who is celebrating his birthday sa June 28.

Read more...