‘Born For You’ nina Elmo at Janella nag-trending worldwide

janella salvador at elmo magalona

SABI ko nga nga ba bossing Ervin, tututukan ang Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil maganda talaga kaya naman nu’ng magpadala ng resulta ng ratings game kahapon ay hindi na kami nagtaka na mataas ang pilot episode nito considering na medyo late na ito.

Nagtala ng national TV rating na 17.1% kumpara sa katapat nitong palabas sa kalabang istasyon, ayon sa datos ng Kantar Media. Hindi rin nakapagpigil ang netizens na iparamdam ang kanilang pagkasabik para sa show kung kaya naman nag-trend worldwide sa Twitter ang official hashtag ng serye na #BFYTheRedString.

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang Born For You, gabi-gabi pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN.

Read more...