Kalat na: Kris may galit kina Alex at Toni

kris aquino at toni and alex gonzaga

PAUWI na pala si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby galing ng Los Angeles, USA nitong weekend, ayon sa kaibigan at consultant nitong si Boy Abunda.

Nakatsikahan namin si kuya Boy sa ginanap na Tocoma (Total Colon Management) launch noong Huwebes ng gabi at sinabi nga niya na katatapos lang nilang mag-usap bago nagsimula ang event. “Kausap ko kanina, she’s coming home, I think over the weekend, hindi ko lang alam kung anong eksaktong araw, Sabado, Linggo, Lunes, but she’s coming home,” sabi ng King of Talk.

Natanong ang TV host kung totoong may dalawang shows na gagawin si Kris sa ABS-CBN pagbalik nito.
“I am not in a position to discuss that, pero I know ABS-CBN and Kris are talking about a possible show or shows. “Klaro naman ‘yun from the beginning kapag bumalik si Kris, sa pagkakaalam ko ha, pag siya’y nagdesisyong bumalik, sila’y uupo ng ABS-CBN (management), kung ano ang palabas na puwede nilang gawin, together,” pahayag pa nito.

Nabanggit din ni kuya Boy na wala siyang alam sa tsikang humihingi si Kris ng limang taong kontrata sa Kapamilya network pero isang taon lang ang kayang ibigay ng istasyon. “Yan ang hindi ko alam, it’s unlikely that an artist would go to a network in my opinion and say, ‘Gusto ko ng limang taon.’ A contract is a mutual agreement between the network and the artist. Pinag-uusapan ‘yun.

“Pati ‘yung length ng contract, cost of contract. I’m not privy to that discussion, but sa pagkakaalam ko when we sit down for negotiation, pinag-uusapan ‘yun, ano ba ang deliver ng both parties involved,” paliwanag mabuti ni kuya Boy.

Wala naman daw masyadong pinag-usapan sina Kris at kuya Boy, “Alam mo naman si Kris, she tells what she sees, ganito pala ang obserbasyon niya sa tao, ganito, ganyan, mga bagay-bagay na pinag-uusapan ng magkaibigan.”

Samantala, natanong din kung may isyu si Kris sa magkapatid na Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga dahil in-unfollow na raw niya ang dalawa sa Instagram, “Not that I know, I don’t know. Wala kaming pinag-uusapan na ganu’n ni Kris,” mabilis na sagot sa amin.

Samantala, tinanong naman namin ang TV host for nth time kung may plano silang magpakasal ng long time partner niyang si Bong Quintana dahil ang ilan sa mga kilalang celebrities ay nagpakasal na tulad ng Born For You direktor na si Onat Diaz sa kanyang boyfriend na non-showbiz kamakailan lang.

“Imbitado ako ro’n, sa Central Park (Manhattan, New York City), yes, I’m so happy. Tinanong ko si Bong, umayaw. Look, we’ve been living together for 33 years. Sabi ko lang (kay Bong), ikaw ba naisip mo ba? Is there a possibility? “Pero you know in his heart (Bong), he would go to the legal aspect of the ceremony,” paliwanag ni kuya Boy sa amin.

Samantala, hindi lang basta endorser ang Tonight With Boy Abunda host ng Tocoma kundi advocacy na rin niya ito dahil sa naranasan niya noong nagkasakit siya dalawang taon na ang nakaraan. “I got hospitalized two years ago, I’ve been very careful about the supplements that I take, what I did my doctor, Dennis Ngo, ask kung safe and he said go,” sabi pa ng TV host.

Read more...