ARESTADO ang apat na drug dealer, kabilang na ang isang opisyal ng barangay matapos mahulihan ng P150 milyong halaga ng shabu matapos ang isinagawang raid sa isang beach sa Claveria, Cagayan noong Huwebes ng gabi.
Matapos makakuha ng impormasyon sa isang impormante, ni-raid ng mga pulis at operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang El Dia Beach Resort at nahuli si Barangay Centro 4 chairman Victor Tumaneng, Edgardo Almazan, Alfredo Salbusa at Robert Cainguitan matapos makumpiska sa kanila ang 30 kilo ng shabu.
Sinabi ng PDEA na matagal nang isinailalim sa surveillance ang apat, matapos na mapabilang sa listahan ng watch list na sangkot sa droga sa Cagayan
Tumanggi namang magkomento si Tumaneng.
MOST READ
LATEST STORIES