PINALAYA na ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang Pinay kidnap victim na si Maritess Flor.
Si Flor ay kasama ng tatlong dayuhan na binihag ng Abu Sayyaf sa bahagi ng Samal Island noong September 2015.
Sa inisyal na impormasyon, si Flor ay pinalaya Biyernes ng umaga at kaagad na dinala sa bahay ni Sulu Governor Abdusakur Tan.
Hindi pa malinaw kung paanong pinalaya si Flor at ang proseso ng pagpapalaya sa kaniya. Hindi rin sinabi kung may ransom na ibinigay kapalit ng kanyang paglaya.
Si Flor ang kasintahan ng isa sa tatlong dayuhang biktima ng pandurukot na si Kjartan Sekkingstad.
Nauna nang pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang dalawang dayuhang biktima na sina John Ridsdel at Robert Hall.
MOST READ
LATEST STORIES