Libro nina JaDine na ‘Team Real’ naka P30-M agad sa launching pa lang

MASAYANG-MASAYA sina James Reid at Nadine Lustre dahil ang libro nilang “Team Real” na ini-launch lang noong Linggo ay bumenta na agad ng mahigit 100,000 copies. Hindi na nga raw nakayang tapusin ng JaDine ang autograph signing na umabot naman sa 1,800 copies.

Sabi ng manager ng JaDine na si Veronique del Rosario, “Siyempre, nangalay na ang dalawa, hindi na nila kinaya but we’re very happy for the book launching kasi super lakas talaga, iba pa ‘yung online selling.”

Tawang-tawa nga sa amin si Ms. Veronique at ang Viva Vice President for Marketing na si Ms. Leigh Legaspi dahil kinuwenta na agad namin ang kinita ng libro sa launching nito na umabot sa P29,500,000. “Grabe ka, kinuwenta mo agad?” sabi ni Ms. Veronique sa amin.

Samantala, sa ginanap na book launching ng “Team Real” ay sobrang higpit ng security dahil nga sa nabalitang may death threat ang dalawa. Kaya natanong sina James at Nadine tungkol dito. Wala pala silang alam na naghigpit ng seguridad sa mall dahil hindi naman daw sinabi sa kanila.

“Well, feeling ko naman po kasi nag-start ‘yun dahil kay Christina Grimmie na harap-harapan na binaril and fan yata iyon. Nakakatakot din po talaga, so far wala naman pong ginagawa pang moves kasi wala naman nangyayari, ‘yung book launching pa lang naman ang event namin,” pahayag ni Nadine.

Kararating lang noong Hunyo 16 ng JaDine galing sa 14 shows sa iba’t ibang cities sa East Coast at simula nu’ng dumating sila ay hindi na sila nawalan ng commitment at marami pa raw inquiries abroad.

“Marami na nga kaming tinanggihang shows kasi hindi na nila kaya, next year na lang dahil they have to finish naman their commitments here like teleserye and movie,” kuwento ni Ms. Veronique.

Read more...