Death threat kay Alden gimik lang; concert kinansel dahil sa ticket sales?

NA-CANCEL pala ang show ni Alden Richards sa Pampanga.
Ang chika, may nagbanta raw kay Alden na iyon na ang huling show niya dahil pasasabugin niya ang venue. While it may be true, we don’t buy that crap.
We felt na hindi siguro masyadong mabenta ang concert dahil kulang ito sa promotion. We never heard of the show, walang masyadong ingay ang palabas kaya siguro minabuti na lang na i-cancel ito.
We felt na hindi mapupuno ni Alden ang venue kaya naman the producers decided to cancel it na lang. Kaysa naman mas malaki pa ang malugi sa kanila ay mas mabuting i-cancel na lang ang show.
Hindi yata masyadong na-promote ang show dahil ilang linggo rin na nasa Italy si Alden for the shooting of his movie with Maine Something. Isa pa, mukhang kulang na kulang din sa preparasyon ang actor.
That said, we noticed na palaging nakakansel ang concert ni Alden, ha.
Could it be because ticket sales of his concerts are not that impressive? Or could it be because of his waning popularity?
Come to think of it, masyadong na-saturate na ni Alden ang kanyang popularity. He has reached the pinnacle of his success that there is no way to go but down.
Hindi na rin naman siya masyadong pinag-uusapan sa social media. Nawala na ang kanyang phenomenal appeal. Hindi nakatulong na recently ay lumabas sa social media na iniiwasan niya at cold siya kay Maine Mendoza kapag wala na sila sa harap ng camera. Na pakitang tao lang ang kanyang ginagawang ka-sweet-an kay Maine when the camera is rolling.

Read more...