NCAA Season 92 basketball title asinta ng Mapua Cardinals, JRU Heavy Bombers

MATAPOS na kapwa mabigong tumuntong sa finals noong isang taon ay inaasahang muling ibubuhos ng Mapua at Jose Rizal University ang kanilang lakas para masungkit ang mailap na kampeonato.

Ito ay matapos panatiliin ng Cardinals ang halos kumpleto nitong lineup na nakatutok sa kasalukuyang MVP  na si Allwell Oraeme, CJ Isit at ang nagbabalik na sina Andrew Estrella at Joseph Eriobu upang maging paborito na tumuntong sa Final Four sa ikalawang sunod na taon at maging lehitimong paborito para sa titulo.

Katulad din ito ng JRU Heavy Bombers na pinanatili ang dati nitong komposisyon nina Tey Teodoro, Paolo Pontejos, Jordan dela Paz, Gio Lasquety at ang pares sa frontcourt nina Abdoul Poutouochi at Abdul Razak Abdul Wahab upang maging sa paborito sa preseason.

Kaya naman umaasa si Mapua coach Atoy Co sa kanyang tsansa.

“We’ve been playing a lot of tune-up games and I’m happy with the way my team is playing,” sabi ni Co. “I just hope it will translate into another good NCAA season for us because we’re really looking forward to make it back to the Final Four and hopefully the finals.”

Kakaiba naman ang nasa isip ni JRU coach Vergel Meneses.

“Kami ang least visible team sa preseason so I’m surprised people consider us a favorite,” sabi ni Meneses.

Ang JRU ay naglaro lamang sa Fr. Martin Cup kung saan tumapos ito sa quarterfinals at tanging sina Teodoro at Pontejos ang nagpakita ng magandang laro.

“It’s just the preseason. But we will need them (Teodoro and Pontejos) to really step up for us to have a chance,” sabi pa ni Meneses.

Matapos ang pares ng nakakadismayang paglalaro sa unang dalawang taon, nagawa ni Co na makatuntong sa Final Four matapos na okupahan ang ikatlong puwesto sa eliminasyon sa bitbit na 12-6 (win-loss) record. Gayunman, nabigo ang Mapua sa tinanghal na kampeon na Letran, 90-91.

Maganda rin ang kampanya ng JRUl na tumapos sa ikaapat na puwesto sa 12-6 kartada subalit tinalo naman ng San Beda, 68-78.

“We’ll try again this year,” sabi lamang ni Meneses.

Read more...