GERALD ipinasundo sa chopper si MAJA, nag-date sa TAGAYTAY

maja salvadorBaka mamatay na sa inggit niyan si Kim, ha…

BONGGA talaga kung magpaligaya ng kanyang girlfriend si Gerald Anderson, ‘no! Kalat na kalat na kasi sa apat na sulok ng kashowbizan ang pagde-date nina Gerald at Maja Salvador sa Tagaytay.

At kung totoo nga ang narinig namin, talagang pinasundo pa ni Gerald si Maja sa isang chopper at sabay silang nagpunta sa isang sosyal na restaurant sa Tagaytay noong Valentine’s day.

Ikaw na, Gerald! Ikaw na talaga! Ha-hahaha! Sure na sure kaming ang haba-haba ngayon ng hair ni Maja dahil sa sorpresa kanya ng kanyang boyfriend.

Ikaw ba naman ang ipasundo sa helicopter at bigyan ng isang bonggang-bonggang Valentine date, di ba?

In return, ano naman kaya ang ibigay ni Maja sa kanyang boyfriend?

Ha-hahahaha! Parang may malisya ba ang tanong namin? Naku, si Maja pa, tiyak na hindi siya papayag na walang ibigay na sorpresa kay Gerald.

May nabasa naman kami sa isang website na pagsakay daw nina Gerald at Maja sa nirentahang chopper ay binigyan ng aktor ang dating best friend ni Kim Chiu ng isang bungkos ng bulaklak, isang cuddly bear at Belgian chocolates.

May bottle of champagne na rin daw sa helicopter para pagsaluhan nila.

Nakakaloka! Ano naman kaya ang magiging reaction ni Kim Chiu rito?

Naku, baka mamatay sa inggit ang lola n’yo, ha!

Kasi sa pagkakaalam namin, never na binigyan ng ganyan kamahal na sorpresa ni Gerald si Kim.

Pero in fairness naman, puro expensive rin ang naibigay na regalo ni Gerald kay Kim noon.

Natatandaan n’yo ba na niregaluhan pa dati ni gerald si Kim ng sasakyan na kulay pink, di ba?

Read more...