GAME palang gumawa ng pelikula si Kris Aquino na may kinalaman sa female empowerment, ang iniisip lang niya ay ang multi-million contract niya sa dalawang malalaking kompanya.
Inamin ni Kris na may offer nga sa kanya si direk Jun Lana, ang gumawa ng pelikulang “Bwakaw” na kasalukuyang humahakot ng international awards mula sa iba’t ibang international film festival sa ibang bansa.
“Honest to God ha, may Cinemalaya na ino-offer sa akin that has that aspect.
But again, pinabasa pa namin (sa advertisers).
May dalawa kasing multi-national (companies) na malalaki talaga ang kontrata ko.
“Kahit na role ‘yon, I need their approval kasi, di ba, I sell their milk, I sell their detergents, so parang ‘yon ang na-realize ko na I want to challenge myself as an actress, but first and foremost, I have a responsibility because mayroon akong mga napirmahang kontrata. “‘Yon, it calls for a kiss with a girl, and it calls for a physical act sa pagkatao ko at sa sarili ko na ipinagdadasal pa namin kasi, on-cam, kailangan kong i-shave ang ulo ko na Anne Hathaway level, di ba?
“Of course napag-agrihan, one ganu’n (isang eksena lang), but of course tinapyas ko ‘yung dito (side ng buhok), pinag-uusapan pa namin ‘yun.
I want to do it because may guaranteed international (screening) siya.
“Nu’ng nabasa ko ‘yung letter nila (direk Jun) sa akin at nu’ng ipinadala nila ‘yung storyline, sobrang na-excite ako kasi kasasabi ko pa lang that day na ayaw ko nang umarte tapos ng mabasa ko, sabi ko, ‘Oh my God! Gusto ko ata!’
“Pero ‘yun nga takot na takot ako dahil sa multi-million contract.
Kaya kung tumanggi man ako, I want to make it clear na it wasn’t my decision but the endorsements and also na iginagalang ko lang kasi may mga kontrata talaga ako sa kanila even if you’re an actress and you want to portray a role, pag sensitive na although it’s about female empowerment (kailangang malaman ng advertisers),” mahabang kuwento ng lead star ng Kailangan Ko’y Ikaw.
At ang nagustuhan ni Kris, “Ang ganda-ganda kasi ng tagline, doon nila ako nakuha, ‘We all thought, we knew her story, watch her rewrite it!’ Bongga no!
“Hayan, sinabi ko lang, talagang kinilabutan na ako, tapos guaranteed siyang may Hongkong screening, kaya kung hindi matuloy, e, di hindi siguro talaga para sa akin.
“Pero the fact na kinonsider nila ako na ganu’n ka-powerful, di ba?
Sabi ko nga kay Boy (Abunda), ‘Boy ako ba talaga o nagkamali sila ng pinadalhan?’” sabi ni Kris.
Habang sinusulat namin ito ay nasa Siargao, Surigao del Norte pa rin si Kris kasama ang mga kaibigan at base na rin sa mga litratong pino-post niya napaka-peaceful daw ng lugar dahil pawang mga luntiang halamanan ang nasa paligid at nabanggit ding walang telebisyon o cable roon kaya wala siyang napapanood, pero may internet siya kaya panay ang tweet at Instagram na hindi raw niya napapanood ang KKI.