Paano makaka-jackpot sa lotto? | Bandera

Paano makaka-jackpot sa lotto?

Joseph Greenfield - June 24, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Cenon ng Facoma Subdivision, Valencia, Bukidnon

Dear Sir Greenfield,

AKO ay 72 years old at may dalawang anak na kapwa tapos ng pag-aaral. Sa kabila ng kahirapan ay sinikap ko silang papagtapusin kaya lang ay may pamilya na sila ngayon at hindi na nila ako inintidi pa. Sa ngayon ay nag-iisa ako sa bahay at nabubuhay lang sa tulong ng aking mga kapitbahay at malalapit na kaibigan. Minsan ay pinapadalan din ako ng mga anak ko, pero madalang at minsan lang sa limang buwan. Madalas akong tumaya sa lotto para makapagsimula ako ng sarili kong hanapbuhay, ang problema hindi naman ako pinapalad na tumama ng jackpot. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano bang mga numero ang magpapatama sa akin ng jackpot upang sa edad kong ito, bago man lang ako malagutan ng hininga, ay makatikim man lang ako ng kaginhawahan sa buhay. December 13, 1943 ang birthday ko.
Umaasa,
Cenon ng Valencia, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat huli na, kapansin-pansin pa rin ang Pagguhit ng Bilugang Suwerte sa iyong Palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, kahit na medyo may edad ka na, sa ngayon sa gulang na 72, sa panahong itinakda ng tadhana at wala sa iyong hinahagap—bigla ang magaganap, sa lotto tatama ka ng jackpot.
Cartomancy:
Ang Nine of Hearts, King of Diamonds at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing anumang sandali sa taon ding ito ng 2016 o bago sumapit ang edad mong 73 pataas, malaking kasagaaan ang iyong mararansan sa apsetong pang materyal.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending