Kakai Bautista: Hindi po ako hayok na hayok sa lalaki, disenteng babae ako!

kakai bautista at ahron villena

“WALA namang taong hindi naging tanga sa pag-ibig, helloooo!!!” Ito ang pinagdiinan ni Kakai Bautista nang tanungin tungkol sa minalas na love affair nila ng hunk actor na si Ahron Villena.

Sa presscon ng bago niyang programa sa GMA 7, ang Conan My Beautician na pagbibidahan nina Mark Herras at Megan Young, sinabi ni Kakai na mas mabuting magkanya-kanya na lang muna sila ni Ahron dahil ‘yun ang nararapat. Aniya, naging maligaya naman daw sila ng binata noon kaya walang dahilan para magpaka-bitter.

“We were enjoying each other’s company, we were good friends. Whatever it was, it was special and we were happy,” sey ni Kakai. Nang matanong ang komedyana kung naka-move on na siya, “Alam n’yo, ang dami ngang nagsasabi. ‘Mag-move on ka na!’ E, di kayo! Lahat naman kasi dadaan sa ganu’n. Di ako nagwa-wallow sa pain, sa sadness, sorrow.

“Dadaan lang ako du’n, tapos aalis ako du’n. Kaya huwag silang magmagaling sa akin, magmaganda na naka-move on kaagad. Ano ka, Taylor Swift? Kahit naman si Taylor Swift, meron pa rin yun, tao ka lang din. I’m okay. I’m getting there. Hindi naman kasi madali yun,” pag-amin ni Kakai.

Kahit kailan ay hindi rin daw naghabol sa lalaki si Kakai, kahit daw hindi siya kagandahan ay disenteng babae naman daw siya. Meron ding mga nanliligaw sa kanya pero hindi raw siya ‘yung tipong hayok na hayok sa lalaki.

“Hindi ako taeng-tae sa mga lalaki, di ba? Kaya kong mabuhay nang walang lalaki. Tsaka I’m proud to be a decent woman. Kaya kong sabihin yun without any hesitation, because I am. I try to be a decent woman. I try to live decent. I work na lahat ako ang naghihirap. I don’t use people,” chika pa ng bagong Kapuso comedienne.

In fairness, ipinagtanggol pa rin ni Kakai si Ahron sa mga bashers na nagsasabing bading daw ang aktor. Aniya, sure na sure siyang lalaki ang binata at babae pa rin ang gusto nito. Anyway, excited na si Kakai sa bago niyang show sa GMA, ito ngang comedy series na Conan My Beautician na magsisimula na sa darating na Linggo, June 26, 5 p.m.. Nagpapasalamat siya sa GMA dahil kahit identified siya sa ABS-CBN ay kinuha pa rin siya para maging bahagi ng nasabing programa.

In fairness, swak na swak din ang tambalan nina Mark at Megan sa Conan kaya yan ang dapat n’yong abangan. Makakasama rin dito sina Boobsie Wonderland, Tetay, Vangie Labalan, Lotlot de Leon, Jay Manalo, Chlaui Malayao at Balang, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr..

Read more...