4 na Sang’gre ng Encantadia ibinandera ang mga bonggang warrior costume

encantadia sanggres

HANDANG-HANDA na ngang makipaglaban ang mga Sang’gre ng Encantadia ng GMA. Ipinasilip na sa mga manonood ang gagamiting warrior costumes ng apat na bida ng fantaserye.

Kasabay nito, battle mode on na rin ang apat na Sang’gre upang pangalagaan ang kanilang mga brilyante sa nalalapit na pagsisimula ng Encantadia.

Sa 24 Oras ipinakita na sa publiko ang eleganteng warrior costumes ng apat na bidang sina Sang’gre Amihan na gagampanan ni Kylie Padilla sa kanyang blue warrior suit at sword; mambibighani naman si Gabbi Garcia bilang Sang’gre Alena sa suot niyang green warrior costume; sexy at racy naman ang peg ni Sanya Lopez bilang Sang’gre Danaya sa kanyang warrior suit na may arnis weapon; at hot and fierce with her kambal na sandata na sina siklab at baga si Glaiza de Castro bilang Sang’gre Pirena.

Read more...