‘The Achy Breaky Hearts’ bakbakan ng JodIan at JoChard

jodi sta.maria richard yap at ian veneracion

NANG papiliin na siya kung sino kina Ian at Richard ang pipiliin niya kung sakaling wala pang asawa ang dalawa, tugon ni Jodi, “Wala! Ha-hahaha! Hindi kasi, di ba, pareho ko silang kaibigan, I’d rather have them both as a friend. It’s more than just a physical thing pero wala talaga.

“Mas maganda kung ganu’n na lang, kasi mahirap when you start to develop feelings more than the friendly feeling, siguradong doon na magkakaroon ng conflict. So, mas gusto ko na lang mapanatili yung friendship namin, ayokong masira. So wala akong pipiliin.”

Pero sa “The Achy Breaky Hearts” kailangan daw alamin ng madlang pipol kung sino ang pipiliin ng karakter niyang si Chinggay sa pagitan nina Frank (Richard) at Ryan (Ian).

“Kasi si Chinggay, single siya for the longest time pero hindi naman dahil sa ang tagal niyang single, e, magra-rush siya into something para magkaroon siya ng boyfriend. Siyempre, ang tagal niyang single, ang dami niyang love na ibibigay. Pero may mga pero.

“So para sa akin, dapat hindi siya mag-settle just because gusto lang niya magka-lovelife,” sey pa ni Jodi. Ang “The Achy Breaky Hearts” ay sa direksiyon ni Antoinette Jadaone at kasama rin dito sina Beauty Gonzales, Sarah Lahbati at marami pang iba. Showing na ito sa June 29 nationwide.

Read more...