IDINAAN sa biro at hugot ng mga netizen ang isinagawang earthquake drill ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kung saan may hashtag pa ito na #MMShakeDrill.
Ginawang katatawanan ng ilang Twitter user ang pag-arte ng mga kunwari’y biktima ng lindol, samantalang ikinumpara naman ng iba ang lindol sa kanilang trabaho at lovelife.
“Oh ‘bat ka sumali sa Earthquake Drill? ‘Di ba ‘di ka naman nakakaramdam ng lindol kasi manhid ka?” sabi ni @HeneralHugot.
“Earthquake in the Philippines. Expectation: Duck. Cover. Hold. Reality: Grabs phone. Tweet. Post. Hugot. Selfie. Snapchat,” ayon naman kay @krizzy_kalerqui.
Ipinapakita sa earthquake drill ang epekto sakaling tumama ang isang 7.2-magnitude na lindol sa National Capital Region, kung saan mahihiwalay ang southern quadrant sa ibang bahagi ng NCR at guguho ang Guadalupe Bridge sa Makati City.
MOST READ
LATEST STORIES