Jerome ayaw pang ligawan si Loisa: Trabaho po muna!

loisa andalio at jerome ponce

NAPAAMIN ng press si Jerome Ponce na crush niya ang kanyang leading lady na si Loisa Andalio na kasama niya sa Wansapanataym Presents Candy’s Crush episode.

“Actually, noong PBB days, may paghanga (ako kay Loisa). “Yun sinabi sa ‘yo ni Janella (Salvador), ‘yun ‘yon. Tapos eto, alam kong andiyan si Joshua (Garcia), naging kakulitan. And hindi naman po kasi ako na parang andun ‘yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andun ako sa ini-enjoy ko lang ‘yung araw-araw ko na trabaho, i-enjoy ko na rin.

“Kasi ano, nangyari kasi merong one time may sinasabi si Janella. May sinabi ako kay Janella, inamin ko na crush ko siya (Loisa). Sa kanya ko lang inamin ‘yun, tapos sinasabi niya (Loisa), akala niya na may sinasabi akong masama tungkol sa kanya.

“Tapos nang sinabi ni Janella sa kanya na crush ko siya, hindi siya naniwala. Siguro at least alam na niya ngayon. Kaya ikinatuwa ko na hindi niya alam. Ngayon, alam na niya, yun.” When asked for reaction, Loisa said, “Nabigla ako roon. Ikaw talaga Ponce, ha. Kasi si Jerome lagi niya akong inaasar, ‘yung ano, parang nagti-trip lang kaya hindi ko po ini-expect na may crush siya sa akin noon.

When asked kung possible na ma-develop siya kay Loisa, Jerome said, “I don’t know. Siguro depende sa oras. Hindi pa du’n naka-set ang utak ko. Naka-set lang ako sa kung ano siya. Masaya ako ka-work siya and enjoy talaga ako kasi open, dahil wala kang inisip na malisya.  “Wala kang inisip na parang ginagamit ko ‘yung work para dumiskarte sa kanya, na ginagamit ko ‘yung work para mapalapit sa kanya. Ito siguro ‘yung binibigay sa amin na chance,” he added.

Read more...