Bistado na ng GF: Reporter isang ‘paminta’

ON the rocks ngayon ang relasyon ng isang reporter sa kanyang girlfriend dahil sa nabisto ng GF ang pinakatatagong misteryo ng kanyang BF.
Sinabi ng ating Cricket na makaraan ang mahaba-haba ring panahon ay nadiskubre ni Girl na hindi pala tunay na Boy kundi may pagka-girl din ang kanyang boyfriend.
Bagama’t noong una ay kaya raw niyang tanggapin ang pagkatao ng kanyang karelasyon, pero ang mga kaibigan daw mismo ni GF ang nagsabi na matagal na nilang nararamdaman na hindi puro kundi nagpapanggap lamang na lalaki ang kanyang BF, as in “paminta” o pa-mhin.
Duda pa ng ilan sa kanyang kaibigan na baka ginagamit lamang siyang taguan ng tunay na pagkatao ng kanyang ka-sintahan.
Lalong lumayo ang damdamin ni GF sa kanyang BF nang matuklasan niyang makailang beses na palang nakipagrelasyon ang kanyang kasintahan sa kapwa lalaki.
In fairness, sinabi ng ating Cricket na pilit namang pinaglabanan ni Mr. Reporter ang kanyang pagkalalaki pero lagi siyang dinadaig ng kanyang pusong babae lalo na kapag may nakikilala siyang guwapitong Adan.
Sinabi pa ng ilan sa kanyang mga kaibigan na malamang ay alam na rin ng mga magulang ni BF ang kanyang tunay na pagkatao pero nagpa-panggap na lamang silang walang alam o dedma na lang, ‘ika nga.
Minsan na ring nalagay sa kontrobersiya ang pangalan ni Mr. Reporter dahil nasangkot siya sa isang isyu ng corruption.
Tumanggap kasi siya ng mga mamahaling regalo mula sa isang baklang local official na kanyang na-cover ng ilang araw dahil sa isang malaking balita sa kanilang lala-wigan.
Doon naglabasan ang iba pang mga malansang balita tungkol sa kanyang pagkatao – na kahit daw ano ang kanyang gawing pagtatago ay hindi niya kayang takpan ang tunay niyang pagkatao.
Wala naman kasing masama sa pag-amin ng katotohanan kesa naman nagmumukha siyang clown sa mata ng karamihan ayon pa sa ating Cricket.
Ang bistadong mediaman na subject sa ating blind item ngayong araw ay si Mr. A….as in Amapola.
***
May komento, tanong? I-text sa 09178052374 o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com

Read more...