Sunshine Cruz, Sunshine Dizon parehong malas sa asawa

sunshine dizon at sunshine cruz

NAKAKATAWA. Malaki nga ang kuneksiyon ng mga pangalang ginagamit ng mga artista sa kanilang kapalaran. Napaglalaruan sila, pinapalitan ang kanilang pangalan, lalo na kung kabaligtaran nu’n ang mga nangyayari.

Halos magkasunod na nagkaroon ng problemang personal sina Sunshine Cruz at Sunshine Dizon. Kinaliwa raw sila ng mga mister nila. Pareho rin silang aktibo sa social media sa paglalantad ng mga nakakalungkot nilang karanasan sa mga ama ng kanilang mga anak.

Sa isang umpukan tuloy ay bininyagan na sila ng bagong pangalan. Sa halip na Sunshine ay ginawa na silang Sunset. Paglubog daw kasi ng araw ang insinwasyon ng mga nagaganap ngayon sa kanilang personal na buhay at hindi pagsikat.

Kung paano inilalabas ni Sunshine Cruz ang kuwento ng kanilang dating relasyon ni Cesar Montano ay ganu’n din ang mababasa sa mga posts ngayon ni Sunshine Dizon, pareho nilang sinisiraan ang dalawang lalaki sa publiko. Kung paano nila inililitanya nu’n kung gaano nila kamahal ang ama ng kanilang mga anak ay kabaligtaran na ‘yun ngayon. Traydor na ang lalaki, iresponsable, sinaktan sila nang wagas na wagas.

Pareho nang hiwalay sina Sunshine Cruz at Sunshine Dizon sa kanilang mister ngayon at parehong-pareho talaga ang takbo ng kanilang kapalaran, magkikita rin sa korte ang huling parehang naghiwalay, para silang nagkopyahan.

Read more...