Hunk actor nambubugbog ng dyowa, ex-gf nakakita ng mayaman at mabait na mister

BLIND ITEM MALE 0316

NAPAKAGANDA pala ng buhay ngayon ng isang non-showbiz girl na nakarelasyon nu’n ng isang guwapong aktor na kinababaliwan ng mga becki at kababaihan na rin.

Nagkaroon ng produkto ang kanilang pagsasama, pero hindi ‘yun nagpatibay sa pundasyon ng kanilang pagmamahalan, sa halip ay nauwi pa nga ‘yun sa hiwalayan. Tahimik ang kanilang paghihiwalay, hindi nila ‘yun ipinagmakaingay, nakaalis ng bansa ang babae na kahit ang kanilang mga kaibigan ay walang kaalam-alam.

Kuwento ng aming source, “Hindi na kasi kinaya ng girl ang mga problemang nalaman niya tungkol kay ____ (pangalan ng guwapong hunk actor), kaya sumuko na rin siya. Maraming problema ‘yun, merong personal, merong dahil sa pagiging iresponsable ng guy. “Kapag nagkakaroon sila ng pagtatalo, may kabigatan ang mga kamay ng hunk actor, agad-agad niyang binibigyan ng one, two, three ang girl. Nananakit siya,” kuwento ng aming impormante.

Maayos at maganda na ngayon ang buhay ng babae. Nakapangasawa ito ng isang businessman na sobra-sobra ang respeto at pagmamahal sa kanya. Banyaga ang kanyang napangasawa. “Napakalayo ng buhay niya ngayon sa naranasan niya sa hunk actor. Hindi nananakit ang foreigner, masipag, kaya maganda ang takbo ng business nila.

“Parang bangungot nga kung i-compare niya ang buhay niya nu’n sa hunk actor. Hindi lang babae ang pinagtatalunan nila nu’n, pati becki, nabubuking kasi ng girl na meron siyang karelasyong kilalang becki. “Kahit nga kami, e, hindi makapaniwala na ganu’n pala siya, para kasing palagi lang cool na cool ang hunk actor, pangiti-ngiti lang kapag kinakausap mo siya.

“Bradly Guevarra, ang name ng hunk actor, e, nasa bandang dulo na ng alphabet. Nasa apat na huling letters,” pagtatapos ng aming source.

Read more...