Jerome Ponce, Loisa Andalio nagkaaminan agad ng feelings sa taping ng Wansapanataym

jerome ponce at loisa andalio

MAY bagong loveteam ang Dreamscape Entertainment para sa bagong episode ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush na mapapanood na sa Linggo, Hunyo 26.

Ito’y sina Jerome Ponce at Loisa Andalio na humarap sa ilang members ng press na bumisita sa taping sa Sampaguita Gardens noong Lunes. Nakita kaagad ng media ang chemistry ng dalawa which is a good sign. Nagkasama na pala sina Jerome at Loisa sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita pero si Joshua Garcia pa ang ka-loveteam noon ng dalagita at kuya naman niya si Jerome.

Ayon kay Jerome, “Hindi ko ine-expect, ibang tao ang ine-expect ko for her. Nagulat ako siyempre kasi alam naman po ng lahat na siya ay 17, ako 21.”  Pag-amin ng aktor, “Noong PBB days, may paghanga. Tapos, siyempre, alam kong nandiyan si Joshua (ka-loveteam ni Loisa), naging kulitan, friends. And hindi naman din po kasi ako ’yung parang nandu’n ’yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andu’n ako sa ine-enjoy ko yung araw-araw kong trabaho.”

Nagulat naman si Loisa kasi wala siyang ideya na crush pala siya ng ka-loveteam. Hala, kakaumpisa palang ng taping ng Candy’s Crush, nagkaaminan na agad? Hindi na kami magugulat pag nabalitang magdyowa na sina Jerome at Loisa.

Read more...