Daniel, Kathryn naadik sa pagkain ng ‘bikini’ sa Spain

kathryn bernardo at daniel padilla

SIGURADONG ngayon pa lang ay atat na atat na ang milyun-milyong KathNiel fans na mapanood ang bagong pelikulang ginagawa nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasalukuyang nagsu-shooting ang rumored couple sa Barcelona, Spain kasama ang kanilang direktor na si Olivia Lamasan under Star Cinema. In fairness, tuwang-tuwa sina Kathryn at Daniel dahil nagkaroon sila ng chance na makapunta sa Spain, it’s a dream come true raw para sa magka-loveteam.

Marami-rami na rin daw mga eksenang natapos ang magdyowa sa Barcelona, kuwento nga ni Daniel sa panayam ng ABS-CBN, “Ang sarap kasi every scene na gagawin mo, fulfilling kasi Olive Lamasan, so ma-good take ko lang yun okay. Talagang buong puso at trust dapat ibibigay mo sa kanya.”

At kahit hirap na hirap, talagang kinakarir ng dalawa ang pagsasalita ng Espanyol sa kanilang mga eksena. Bago pa humarap sa mga camera ang KathNiel ay sumailalim muna sila sa basic Spanish course. Halos buong pelikula ay kukunan sa Barcelona, Spain at ayon kay DJ, napakaling tulong ng magandang kapaligiran sa Barcelona para mapagaan ang trabaho nila ni Kathryn.

Sey ng binata, “Ang laking tulong ng atmosphere ng lugar para sa romansa and maganda yung istorya ng movie dahil unang-una iba na ang maturity level nito e, kesa sa past movies namin.” Isa sa mga nakakahiligang gawin ngayon ng magka-loveteam sa Barcelona lalo na kapag nagugutom sila ay ang pag-order ng tinapay na kung tawagin doon ay “bikini.”

Read more...