Pagse-sex ng mag-asawa tatalakayin sa serye nina Heart at Dennis sa GMA

heart evangelista at dennis trillo

ENJOY na enjoy pa rin sina Heart Evangelista at Dennis Trillo sa mga nakakaloka at nakakaaliw na eksena nila sa GMA Telebebad series na Juan Happy Love Story.

Talagang puro magaganda at nakakatuwang komento ang natatanggap ng dalawang bida sa serye mula sa mga manonood na gabi-gabing sumusubaybay sa kanilang programa. Hindi raw kasi mabigat ang kuwento ng Juan Happy Love Story kaya masarap panoorin bago sila matulog.

Ngayong gabi, narito ang mga eksenang dapat n’yong abangan: Magpapaalam na umuwi sina Juan at Happy sa birthday party ni Lucky. Hindi man lang papansinin ni Happy si Joy, halatang may tampo. Hahabulin ni Joy ang kapatid palabas para humingi ng tawad. Pero si Happy, tipid ang salita. Aalis na lamang siya kasama si Juan. Henry tells his wife na bigyan lang muna ng time si Happy.

Tine-text ni Joy si Happy, nangungulit na kausapin siya ng kapatid niya. Pero dedma ang sisterka. Sinabihan ni Juan ang asawa na kausapin na ang kapatid pero wa epek pa rin kay Happy. To take her mind off things, yayayain ni Juan si Happy na makipag-sex. Pero wala sa mood ang babae.

Guilt-ridden, Joy visits Juan at the car shop. Kinukumusta niya ang kapatid. But Juan tells her na bigyan lang muna ng kaunting panahon si Happy para makapag-isip. Samantala, Sally and Lorraine tell Happy na there are other ways para makabuo ng bata. Lorraine suggests she can always adopt. Pero si Sally says na mahirap mag-alaga ng bata na hindi kadugo.

Kaka-close lang ng deal ni Juan with a customer. He confides in Agatha na malungkot siya dahil hindi sila makabuo ng baby ni Happy. Agatha says na he should trying having baby with her instead. She flashes a naughty smile kay Juan. Pero agad babawiin ni Agatha. Joke lang pala. Binisita ng pamilya Villanueva si Happy sa kaniyang townhouse. Finally, papatawarin ni Happy si Joy. She says she just took out all her frustration sa kapatid. Magkakapatawaran ang magkapatid.

Later that night, Happy tells Juan na finally nagkaayos na sila ni Joy. Masa-suggest niya na makipag-sex tonight para subukan uli gumawa ng baby. But Happy has a better idea. She suggests na mag-ampon ng bata. Windang si Juan. Ang buong akala ni Happy umoo na ang asawa. Isay tells Happy na ang pagiging nanay ang “tunay na till death do us part,” hindi katulad ng pag-aasawa. Joy gives her approval sa kapatid.

Meanwhile, sinabi ni Juan kina Henry at Bob ang tungkol sa plano ni misis na mag-ampon. He says na hindi pa naman siya nagye-yes kaya hindi pa final ang lahat. Pero si Bob magko-comment na hindi “macho” ang mag-apon. Just then, Juan overhears the other table talking about being baog.

He feels na sa kaniya nakadirekta ang snide remarks. Mapipikon si Juan. He confronts the other group. Naghamon siya ng away. Tatayo ang grupo ng mga lalake. Hindi pala sila ganun kaliliit. Mga basketball players sila! Nangangamoy bugbugan.

Read more...