Gloc-9 wala pang balak magretiro; Tuloy ang laban

gloc 9

HANGGA’T may maiisip at mabubuo siyang bagong kanta at composition patuloy na magpe-perform at magpapaligaya ng OPM lovers ang music icon na si Gloc-9.

Kahapon muling pinatunayan ni Gloc-9 ang kanyang talento sa paggawa ng napapanahon at inspiring songs sa launching ng bago niyang album under Star Music, ang “Sukli”. Pagkalipas nga ng 10 taon, nagbabalik ang OPM rap icon sa Star Music para sa kanyang bagong proyekto.

“I’m excited for all the things that I can do now that I’m back with my Star Music family. ‘Sukli’ is an album that proves writing songs is still my dream come true. I am happy that my fans, who continue to support me, will hear the new songs I made,” sabi ni Gloc-9.

In fairness, isa talaga s Gloc-9 sa masasabi naming may sense at may relevance pagdating sa mundo ng musika. Patunay diyan ang mahigit 40 awards na natanggap niya mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Awit Awards, MYX Music Awards, PMPC Star Awards for Music, Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards, at FAMAS Awards.

Matapos ang anim na studio albums, isang DVD release, at ilang hit songs, wala na dapat na patunayan pa si Gloc-9. Ngunit sa “Sukli,” muling ipinapamalas ni Gloc-9 ang kanyang talento upang makapagbigay ng bago sa kanyang mga tagapakinig.

Kamakailan, nailabas na ang music video para sa carrier single ng album na “Hoy!” na tungkol sa tibay, tatag, at pagiging masayahin ng mga Pilipino sa kabila ng kahirapan at trahedya. “Mas marami pang kuwento ng ating mga kababayan ang nailatag ko kasabay ng mga bagong likhang musika at tinig ng mga nirerespeto kong artists. Katulad din po ng mga naunang album ko, ang tema po nito ay mga pangyayari sa buhay-buhay ng ating mga kababayan,” pagbabahagi niya.

Sa kantang “Kalye,” mapangahas niyang tinatalakay ang isang makasaysayang pangyayari sa bansa gaya ng EDSA 1986 Revolution. Sa “Payag,” buong tapang niyang tinatanong kung bakit nananatiling tahimik ang kanyang mga kababayan tungkol sa kalagayan ng bansa. Sa “Sagwan,” bida naman ang mga kwento ng mga Pilipinong seamen na nagsasakripisyong malayo sa kanilang mga pamilya para kumayod.

Nakagawa na rin ng mga kanta ang OPM rap icon para sa Star Cinema movies na “Trip” at “Jologs,” Kapamilya shows na “Nginiig,” “Star Circle Quest Reload,” “Go West,” “Kung Fu Kids,” “Rated K,” at “Krystala,” at nagprodus ng theme song ng “Mangarap Ka.” Bago iyan, naging finalist na rin siya bilang composer at interpreter sa 2002 “Himig Handog Love Songs” para sa kantang “Bakit.”

Tampok din sa “Sukli” ang collaborations ni Gloc kasama ang ilan sa artists na hinahangaan niya. Kabilang na rito si KZ Tandingan na nakatambal niya sa awiting “Industriya,” si Ebe Dancel na tampok din sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, at si Monty Macalino ng Mayonaisse sa “Sagwan.” Bahagi rin ng track list ang “Barya Lang,” “Payag,” at dalawang bersyon ng “Sukli” – ang original version kasama tampok si Maya at ang acoustic version naman tampok si Miro Valera.

Available na ang “Sukli” sa mga online stores (ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph) worldwide at sa mga record bars nationwide. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

Read more...