Maligayang-maligaya ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig dahil finally ay nakabuo na uli sila ng baby.
Nitong nagdaang Father’s Day ibinandera ng Parokya Ni Edgar vocalist na buntis na uli ang kanyang misis. Ipinost pa nito sa kanyang social media account ang litrato ni Neri kung saan kita na ang lumalaking tiyan nito.
Sa kanyang Instagram account, kitang-kita sa mga ipinost ni Chito na mga photo ang labis na kaligayahan dahil natupad na ang isa sa mga matagal na nilang ipinagdarasal ni Neri.
“Yey!!! Magce-celebrate na din ako ng Fathers Day!!!” ang caption ng singer sa isang IG photo ni Neri.
Kung matatandaan, nabuntis na ang aktres noong 2015 pero nakunan siya. Naging kontrobersyal pa nga ito dahil sa pakikipagsagutan ni Chito sa ilang bashers na umaaway at lumalait sa kanyang asawa.
MOST READ
LATEST STORIES