MICHAEL James ang ipapangalan ni James Yap at ng kanyang girlfriend na si Michela Cazzola sa kanilang unang baby.
Obviously pinagsama nila ang kanilang mga pangalan para mabuo ang name ng magiging panganay nilang anak. Nitong nakaraang weekend, nagsama-sama ang pamilya at malalapit na kaibigan nina James at Michela para sa bonggang baby shower ng kanilang panganay.
Nakatakdang isilang ni Michela si Baby Michael James sa susunod na buwan at inaasahang darating din sa bansa ang mga kaanak ng girlfriend ni James very soon para makita agad ang baby. “My father is excited because I’m the only child and it’s a boy, so he’s really excited,” sabi ni Michela sa panayam ng ABS-CBN. Dagdag pa niya, hindi na-ging maselan ang kanyang pagbubuntis, at hindi rin siya siya maarteng maglihi.
Ikatlong anak na ng PBA superstar ang ipinagbubuntis ni Michela, bukod sa anak nila ni Kris Aquino na si Bimby, meron din siyang anak sa dati niyang girlfriend. Ayon kay James hindi pa sila nagkakausap ni Bimby tungkol sa magiging half-brother nito. Wala rin daw siyang plano para sa Father’s Day dahil sa pagkakaalam niya nasa ibang bansa pa sina Kris at Bimby.